Korte Suprema ipinatigil ang contempt at detention order ng Kamara laban kay Cagayan Gov. Manuel Mamba
Nag-isyu ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) laban sa implementasyon ng kautusan ng House Committee on Public Accounts at House Committee Suffrage and Electoral Reforms na patawan ng contempt at ikulong si Cagayan Governor Manuel Mamba.
Una nang iniutos ng mga komite ng Kamara sa
House Sergeant-at-Arms nito na arestuhin at iditene si Mamba dahil sa kabiguan na dumalo sa mga pagdinig ukol sa sinasabing iligal na pamamahagi ng cash assistance ng provincial goverment sa panahon ng kampanya noong 2022 elections.
Humarap naman sa pagdinig ng Kamara noong Huwebes si Mamba at ito ay idinitene.
Bukod sa TRO, inatasan ng Supreme Court ang mga respondent na maghain ng komento sa petisyon ng gobernador sa loob ng limang araw.
Sa kaniyang petisyon, hiniling ni Mamba na ipawalang- bisa at ideklarang labag sa Konstitusyon ang contempt at detention order laban sa kaniya.
Moira Encina