Korte Suprema ipinawalang-bisa ang pagkakatalaga ng ilang Hukom sa mga Korte sa labas ng kanilang nasasakupang lugar
Binawi ng Supreme Court ang pagkakahirang sa mga Hukom na umaakto bilang Acting Presiding o Acting Judges sa labas ng kanilang Judicial regions.
Batay ito sa Office of the Court Administrator Circular no 2132019 sa mga first at second level court judges.
Epektibo ang pagpapawalang-bisa sa November 18 maliban na lang kung pinalawig ng Punong Mahistrado ang kanilang appointment.
Ang kautusan ng Court Administrator ay alinsunod sa Memorandum ni Chief Justice Diosdado Peralta.
Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us: