Korte Suprema kinatigan ang pagsasampa ng Office of the Ombudsman ng kasong graft at malversation laban kay dating Malabon Rep. Federico Sandoval

Ibinasura ng Supreme Court Second Division ang petisyon ni dating Malabon Representative Federico Sandoval laban sa pagsasampa ng Office of the Ombudsman sa kanya ng kasong Graft at Malversation.

Ayon sa resolusyon ng Korte Suprema, walang naging grave abuse of discretion sa panig ng Ombudsman dahil suportado ng sapat na ebidensya ang findings of probable cause nito laban kay Sandoval.

Tinukoy ng Supreme Court ang findings ng Ombudsman na direktang inendorso ni Sandoval ang isang private foundation para magpatupad ng livelihood projects sa kanyang distrito at direktang nakukuha ang kanyang Priority Development Assistance Fund o PDAF.

Kaugnay nito, ibinasura din ng Supreme Court ang hiling ni Sandoval na TRO para pigilan ang paglilitis sa mga kaso laban sa kanya.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *