Korte Suprema kinondena ang pagpatay kay retired CA Justice Normandie Pizarro
Nanawagan si Chief Justice Diosdado Peralta sa mga awtoridad na ipursige ang kanilang imbestigasyon sa pagpatay kay retired Court of Appeals Justice Normandie Pizarro.
Una nang kinumpirma ng DOJ at NBI na mga labi ni Pizarro ang natagpuang bangkay sa Capas, Tarlac noong October 30.
Sa isang statement, sinabi ni Peralta na kinukondena ng hudikatura ang pagpaslang kay Pizarro.
Anya hindi kailanman pinapamarisan ng batas ang mga pagpaslang ng sinuman.
Nagpaabot naman ng pakikidalamhati si Peralta sa pamilya ni Pizarro.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na batay sa NBI Forensic Chemistry Division report ay 99.99% percent na tugma sa DNA ng CA Justice ang nadiskubreng bangkay.
Nakatuon anya ang imbestigasyon ng NBI sa apat na persons of interest sa krimen.
Ayon sa kalihim, isa sa mga ito ay handang isiwalat ang kanyang nalalaman.
Huling nakita ang dating mahistrado noong October 23 at natagpuan naman ang kanyang sasakyan sa San Simon, Pampanga.
Moira Encina