Korte Suprema nagdaos ng Retirement ceremony para kay outgoing CJ Diosdado Peralta
Binigyang-pugay ng Korte Suprema si outgoing Chief Justice Diosdado Peralta ilan araw bago ang pagreretiro nito sa pwesto.
Ang retirement ceremony ay idinaos sa Supreme Court En Banc Session Hall kung saan pisikal na dumalo si Peralta, kanyang pamilya at ilang opisyal at mga panauhin.
Pero dahil pa rin sa pandemya ay dumalo online ang ibang mahistrado ng Korte Suprema, at iba pang panauhin.
Sa seremonya ay iprinisinta virtually ng mga justices kay Peralta ang mga tokens gaya ng Supreme Court flag, Philippine flag, SC pin, timepiece, photo album, Book of Decisiona, SC seal, SC pen, brass shingle, SC ring, Statuette of Judicial Excellence, judicial robe, medal of distinction, gavel, plaque of recognition, at Chief Justice Jose Abad Santos Award.
Sa kanya namang opening statement, sinabi ni Justice Marvic Leonen na master of ceremonies na karapat-dapat na parangalan si Peralta.
Inihayag ni Leonen na dahil sa liderato ni Peralta ay naging solido at unbreakable ang Korte Suprema.
Idinipensya rin anya ni Peralta ang SC mula sa mga pag-atake at sa mga nagbabanta sa judicial independence.
Moira Encina