Korte nagpalabas na ng Arrest warrant laban sa 10 miyembro ng Aegis Juris fraternity

Ipinapaaresto na ng Manila Regional trial court ang 10 miyembro ng Aegis Juris fraternity na akusado sa pagkamatay ng UST Law student na si Atio Castillo na hinihinalang namatay sa hazing.

Ang warrant of arrest ay ipinalabas ni Branch 40 Presiding Judge Alfredo Ampuan.

Kabilang sa pinapaaresto sina Arvin Balag, Ralph Trangia, Oliver John Audrey Onofre, Mhin Wei Chan, Danielle Hans Matthew Rodrigo, Joshua Joriel Macabali, Axel Munro Hipe, Marcelino Bagtang, Jose Miguel Salamat at Robin Ramos.

Ang sampu ay sinampahan ng kasong paglabag sa Anti-hazing Law na isang non-bailable offense.

Nakitaan ng Korte ng probable cause ang kasong inihain ng doj kaya kailangan mailagay sa kustodiya ang mga akusado para matiyak ang paggawad ng katarungan.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *