Korte Suprema, nagpatupad ng balasahan sa chairmanship ng tatlong dibisyon nito
Nagpatupad ng reorganization ang Korte Suprema sa chairmanship ng tatlong dibisyon nito.
Ito ay kasunod ng pagreretiro ni Justice Presbitero Velasco Jr ngayong buwan na napalitan na ni Justice Jose Reyes Jr at ng napipintong paghirang ng bagong Punong Mahistrado.
Sa special order na nilagdaan ni acting Chief Justice Antonio Carpio, itinalagang acting chairman ng Supreme Court First Division si Justice Diosdado Peralta habang wala pang bagong Chief Justice.
Miyembro naman sa First Division sina Justices
Mariano Del Castillo, Francis Jardeleza, Noel Tijam habang acting member si Alexander Gesmundo.
Sa Second Division, chairman si Senior Associate Justice Antonio Carpio bilang 2nd most senior kasunod ng maitatalagang Chief Justice.
Miyembro naman ng 2nd division sina Justices Estela Perlas-Bernabe, Alfredo Benjamin Caguioa, Andres Reyes Jr., at Jose Reyes Jr bilang Acting Member.
Si Justice Teresita De Castro naman ang mamumuno sa Third Division kung saan miyembro sina Justices Lucas Bersamin, Marvic Mario Victor Leonen, Alexander Gesmundo at Andres Reyes Jr. Bilang Acting Member.
Ulat ni Moira Encina