Korte Suprema namahagi ng mga gulay sa iba’t ibang community pantries sa NCR
Aabot sa mahigit 14 toneladang gulay ang ipinamigay ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa iba’t ibang community pantries sa Metro Manila.
Ang aktibidad na tinawag na “Pagkalinga sa Kapwa: Higit Labing Apat Mula sa Labing Apat” ay bahagi ng pagdiriwang sa ika-120 anibersaryo ng Korte Suprema.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, nag-ambagan ang 14 na SC justices para makabili ng mga gulay mula sa mga magsasaka.
Kabilang sa mga benepisyaryo ay ang indigent ward ng PGH, Manila Police District, at ang mga community pantries sa NCR.
Pre-determined at naka-iskedyul ang pagpunta ng mga kinatawan ng community pantries sa Supreme Court para masunod ang health at safety protocols.
Nagsagawa ng ocular inspection sa SC Quadrangle ang mga mahistrado sa pangunguna ni Chief Justice Alexander Gesmundo bago ang isinagawang pamamahagi.
Moira Encina