Korte Suprema pinagmulta ang isang Capiz judge dahil sa pagbabanta at pagharang sa implementasyon ng Writ of Execution sa isang kaso
Pinagmulta ng Supreme Court ng halagang apatnapung libong piso ang isang hukom mula sa Capiz dahil sa pagpigil sa pagpapatupad sa isang valid writ of execution.
Sa 11 pahinang resolusyon ng SC First Division, napatunayan nitong guilty si Judge Hannibal R. Patricio ng Municipal Circuit Trial Court, President Roxas-Pilar, Capiz sa tatlong counts ng Conduct Unbecoming of a Judicial Officer.
Ayon sa Korte Suprema, nilabag ni Patricio ang ilang probisyon sa New Code of Judicial Conduct for the Philippine Judiciary.
Nabatid ng SC na nagbanta ang hukom na may masamang mangyayari kapag itinuloy ng sheriff ang implementasyon ng isang writ of execution.
Pinaalalahanan ng Korte Suprema si Patricio na bilang judge ay dapat marunong itong gumalang sa kapwa opisyal ng hudikatura.
Si Patricio ay una na ring pinagmulta ng hukuman dahil naman sa kasong gross ignorance of the law, manifest bias and partiality.
Ulat ni Moira Encina