Korte Suprema pinagtibay ang ligalidad ng pagtataas ng kontribusyon sa SSS
Idineklara ng Korte Suprema na valid ang pagtataas ng kontribusyon sa SSS.
Sa mahigit 30- pahinang desisyon, ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na inihain ng Kilusang Mayo Uno na humihiling na ipawalang-bisa ang SSS premium hike na umepekto noong Enero 2014.
Hindi rin pinagbigyan ng Supreme Court ang hiling na Temporary Restraining Order (TRO) ng labor group para ipatigil ang dagdag na kaltas sa mga miyembro ng SSS.
Ayon sa Korte Suprema, hindi umabuso sa kapangyarihan ang SSS at ang iba pang respondents at sa halip ay ginawa lang ang kanilang tungkulin sa ilalim ng Social Security act.
May kapangyarihan anila ang respondents na magtakda ng contribution rate alinsunod sa batas.
Sinabi pa ng Korte na makatwiran lang ang itinaas sa SSS contribution dahil ito ay kailangan para maging sustainable ang Social Security system ng bansa at humaba ang panahon ng serbisyo ng ahensya.
Ulat ni Moira Encina