Korte Suprema pinalawig hanggang 2021 ang alternatibong paglagda sa Roll of Attorneys ng mga bagong abogado dahil sa COVID-19
Pinalawig pa ng Korte Suprema ang alternatibong paglagda sa Roll of Attorneys ng mga bagong abogado dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.
Sa abiso ng Office of the Bar Confidant, sinabi na extended hanggang sa June 30, 2021 ang alternative roll signing procedure bunsod ng patuloy na pagkalat ng COVID sa bansa.
Gayunman, pwede pa ring tumuloy ngayong Disyembre sa paglagda sa roll of attorneys ang mga bar passer na pinili ang preferred date ngayong buwan.
Noong Hulyo naglatag ng alternatibong roll signing procedure ang Korte Suprema para sa mga 2019 bar passers na hindi makabibiyahe sa Maynila dahil sa pandemya basta makalagda at mairehistro nila ang kanilang biometric information hanggang sa December 31, 2020.
Moira Encina