Korte Suprema pinigil ang pagdeklara ng COMELEC bilang nuisance candidate sa isang vice-presidential aspirant
Nakakuha ng TRO mula sa Korte Suprema ang isang vice-presidential aspirant sa 2022 elections laban sa pagdeklara sa kanya bilang nuisance candidate at pagkansela sa kanyang certificate of candidacy (CoC) ng COMELEC.
Sa dalawang- pahinang resolusyon ng Supreme Court En Banc, sinabi na lumalabas na may sapat na porma at substansya ang petisyon na inihain ni Wilson Caritero Amad.
Nagpasaklolo si Amad sa SC matapos na ibasura ng poll body ang kanyang kandidatura sa pagka- bise-presidente at pagkonsidera sa kanya na nuisance candidate.
Hindi rin pinaboran ng COMELEC ang apela ni Amad dahil sa pagiging depektibo at paghahain nito ng out-of-time.
Pero, pinagbigyan ng SC ang petisyon ng aspirante at inatasan ang poll body na ihinto ang pagkansela sa kandidatura nito.
Pinagsusumite rin ng Korte Suprema ang COMELEC ng komento sa petisyon ni Amad sa loob ng 10 araw.
Moira Encina