Korte Suprema, wala munang sesyon para sa pagsulat ng mga desisyon
Sa Nobyembre na muli magbabalik-sesyon ang mga mahistrado ng Korte Suprema.
Ayon kay Supreme Court spokesperson Brian Keith Hosaka, walang en banc session nitong October 20 at October 27 ang mga SC Justices.
Anya ito ay para bigyang-daan ang kanilang “intensive decision writing period.”
Sinabi ni Hosaka na sa November 3 na muli magsasagawa ng en banc session ang mga mahistrado.
Isa sa mga nakabinbing kaso sa Korte Suprema ay ang mga petisyon laban sa Anti – Terror law.
Umabot na sa halos 40 ang mga petisyon na humihiling na ipawalang-bisa at ideklarang labag sa Konstitusyon ang kontrobersyal na batas.
Samantala, muling haharap sa mga miyembro ng media si Chief Justice Diosdado Peralta sa Biyernes, October 23 sa ganap na ika-siyam ng umaga para sa 2020 CJ Meets The Press.
Online ang nasabing aktibidad na may temang “SC: Rising Above the Pandemic.”
Pwede itong panoorin ng publiko ng live sa Youtube channel ng Supreme Court Public Information Office.
Moira Encina