Krisis sa tubig sa bansa, lulutasin ng Malakanyang sa pamamagitan ng Executive Order
Tinatrabaho na ng Malakanyang ang isang Executive Order para tugunan ang mga isyung dala ng krisis sa tubig sa bansa.
Ang hakbang na ito ng Malakanyang ay bunsod na rin ng nararanasang water service interruption sa ilang bahagi ng metro manila at karatig lalawigan.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na siyang mamumuno sa Cabinet Assistance System o CAS kung saan 32 ahensiya na sangkot sa water sector ang nagtutulungan katuwang ang economic cluster para mabuo ang ilalabas na EO.
Ayon kay Nograles hindi lang ang kakulangan sa suplay ng tubig ang kailanganga masolusyunan kundi kasama rin ang aspeto ng sewerage at sanitation, irrigation, flood management, watershed management, financing, policy formulation and coordination.
Layunin ng ilalabas na EO na mapigilan ang posibleng paglala pa ng problema sa sektor ng patubig.
Ayon kay Nograles marami sanang mapagkukunan ng tubig sa bansa pero ang kailangan ay mahusay na management ng mga water related services ng gobyerno.
Ulat ni Vic Somintac