Krisis sa tubig sa mga health center, nagpapataas sa panganib ng pagkalat ng COVID-19: WHO

A volunteer wearing a protective outfit delivers water to a person along a corridor at the Saint George hotel in east Jerusalem, turned into a quarantine centre for residents returning from abroad, during the COVID-19 coronavirus pandemic crisis, on April 22, 2020. 
Ahmad GHARABLI / AFP

GENEVA, Switzerland(AFP) – Isa sa apat na health centers sa buong mundo ay kulang sa tubig, dahilan kung bakit mataas ang panganib na mahawaan ng coronavirus ang nasa 1.8 bilyong katao.

Sa isang joint report kasama ng UN children agency na UNICEF, ipinahayag ng World Health Organization (WHO), na ang kakulangan sa pangunahing pangangailangang ito ay nagsasapanganib sa mga pasyente at maging sa staff ng mga nabanggit na health centers.

Ang pag-aaral ay nakabatay sa data mula sa 165 mga bansa.

A file photo of WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus (AFP)

Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na ang pagtatrabaho sa isang healthcare facility na walang tubig, at hindi malinis ay nakakatulad ng pagpapadala ng mga nurse at mga doktor nang walang personal protective equipment.

Ayon sa tala ng WHO, bagamat wala pang tatlong porsyento ng populasyon ang health professionals, 14 na porsyento naman ng mga kaso ng COVID-19 na naitatala sa buong mundo ay mula sa kanilang hanay.

Sinabi naman ni UNICEF chief Henrietta Fore, na nalalagay sa panganib ang buhay ng mga healthcare worker at mga taong nangangailangan ng gamutan, kung ang mga ito ay nasa mga pasilidad na walang malinis na tubig, ligtas na palikuran o kahit man lang sabon.

Ayon pa sa report, isa sa tatlong health facilities sa buong mundo ay hindi nakapagbibigay ng garantiyang nagagawa roon ang paghuhugas ng mga kamay, habang isa sa sampu ang wala namang access sa sanitation services.

Ang bilang ay mas malala pa sa 47 least-developed countries (LDCs) sa mundo, kung saan kalahati sa kanilang healthcare centers ay walang access sa inuming tubig, apat na bahagi o 1/4 ang walang access sa tubig for hygiene purposes, at tatlo sa lima ang kulang sa pangunahing sanitation services.

Sa kalkulasyon ng WHO at UNICEF, gugugol ng nasa $1 per inhabitant, para magkaroon ng “basic water services” sa health centers ng naturang mga bansa, at 20-sentimos naman bawat isa para makapagmantini ng ganoong mga pasilidad bawat taon.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: