Ku-Mustasa, bakit mahalaga?
Hello, mga kapitbahay! How is your day?
Para sa ating unang edisyon ibabahagi ko sa inyo ang madahong gulay na mustasa, tunay na masustansya!
Pero bago ang lahat, matanong ko lang, kumakain ba kayo ng mustasa o mustard greens?
Dati kasi hindi ako kumakain nito, pero dahil sa si mister ay paborito ang sinigang na ulo ng isda sa miso at ang gulay na lahok ay labanos at mustasa, natutuhan at nagustuhan ko na rin ang mustasa, unknowingly, marami palang health benefits ito.
Ang mustasa batay sa mga nabasa natin at ayon na rin sa mga pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay mahusay na panlaban sa sipon, ubo, trangkaso, masakit na lalamunan, kahit sa joints, kaya sinasabing makatutulong sa mga may arthritis.
Teka, ano nga ba ang meron sa mustasa? Narito ang dalawa sa pinakamahalagang taglay ng mustasa:
- Mataas ang taglay na Vitamin C at iba pang bitamina at mineral – mabisa sa may upper respiratory infections tulad ng asthma at pneumonia –
- Mataas ang Vitamin K na may mahalagang papel sa bone health. Ayon sa Harvard School of Public Health,nakatutulong ang Vitamin K para makapag process ng apat sa 13 proteins needed for blood clotting. Ang totoo , ilang dekada nang subok ang mustard plaster bilang remedy sa lagnat, ubo, trangkaso, pneumonia at iba pa. Maaari ninyong i search kung paano ang paggawa ng mustard plaster.
Di naman kamahalan ang mustasa sa bente pesos, isang bungkos na ang mabibili mo. Mas mainam kung makapagtatanim ka nga sa inyong bakuran. Hindi lang nagpapasarap sa mga lutuin , nakapagpapagaling pa! Ito po si Julie Fernando, ang inyong Kapitbahay!