Kulang sa tulog magiging sanhi ng pagiging obese at overweight ayon sa mga bagong pag-aaral

Ang mga taong palaging kulang sa tulog ay maaaring maging obese at overweight.

Bukod dito, hindi rin magiging maganda ang kanilang metabolic health conditions.

Ito ang lumabas sa pinakabagong pagaaral  ng mga British researcher.

Dahil dito, sinasabi din ng mga mananaliksik ng naturang pag-aaral  na magiging sanhi ng pagkakaroon ng diabetes at heart disease ang mga taong dahil sa kakulangan sa tuloy ay naging obese at overweight.

Kung gaano ang haba ng dapat na itulog ng isang tao, sinabi ng mga British researcher na ito ay depende sa edad.

Samantala, bukod sa pagiging obese at overweight, ilan pa sa masamang epekto ng kulang sa tulog ay kabawasan sa pagiging alerto at maayos na pag iisip,mas mabilis na pagtanda ng pisikal na anyo, at  pagpurol ng memorya.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *