Kumakalat na balitang airborne na ang pagkahawa sa Novel Coronavirus, hindi totoo- DOH
Wala pang scientific evidence na sumasama na sa hangin ang novel corona virus kaya mabilis na itong kumakalat.
Ito ang sagot ng Department of Health (DOH) sa isang artikulo sa social media mula sa Shanghai China na airborne na ang transmission ng novel corona virus.
Sa Laging Handa briefing sa Malakanyang sinabi ni Health Undersecretary Gerado Bayugo na laging nakikipag-ugnayan ang DOH sa World Health Organization hinggil sa development ng novel corona virus at walang scientific bases ang sinasabing airborne na ang virus.
Ayon kay Bayugo nananatiling sumasama ang novel corona virus sa droplets.
Inihayag ni Bayugo na patuloy na ginagawa ng DOH katulong ang ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan para mapigilan na ang pagkalat pa ng novel corona virus sa bansa.
Ulat ni Vic Somintac