Kumpanyang naghahanap ng aplikanteng babayaran para matulog
Isang Houston-based mattress company ang nag-aalok ng dream job para sa mga taong babayaran ang para matulog.
Ito ang bed-testing “Snoozetern.”
Ayon sa naturang mattress firm, tatanggap sila ng aplikasyon hanggang sa july 23 para sa paid internship, na kakapalooban ng pagsubok sa mga bago at popular na mga kama, habang idino-dokumento naman sa pamamagitan ng mga video at sa social media platforms, ang experience ng snoozetern.
Ayon sa post, ang mga aplikante ay dapat na may specific set ng sleepy-time skills.
ang mga aplikante ay dapat na hindi bababa sa 18-taong gulang, proficient in napping, kahit anong oras, interesadong ma-expose sa iba’t-ibang surfaces, textures at sleep positions, at dapat passionate siya pagdating sa “sleep and comfort.”
================