Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, umabot na sa mahigit 131,000
Umakyat na sa mahigit 131,000 ang bilang ng nahawahan ng COVID-19 sa CALABARZON.
Ayon sa DOH Center for Health Development- CALABARZON, mula sa nasabing bilang ay 24,752 ang mga pasyenteng nagpapagaling pa o aktibong kaso.
Ito ay matapos na maka-rekober na mula sa sakit ang halos 103,000 at pumanaw naman ang 3,482 sa rehiyon.
Bumaba naman ang naitalang bagong kaso nitong April 29 sa 997 mula sa halos 2,500 noong April 28.
Pinakamarami pa ring active cases ng COVID sa Cavite na mahigit 8,500.
Pangalawa ang Laguna na halos 6,000, sumunod ang Batangas na mahigit 4,300, at ikaapat ang Rizal na nasa 4,100 ang mga nagpapagaling pa.
Moira Encina