Kumpirmasyon ni DENR Sec. Gina Lopez hinaharang ng grupo ng mga katutubo
Dadaan muna sa butas ng karayom ang kumpirmasyon ni DENR Secretary Gina Lopez sa makapangyarihang Commisison on Appointments.
Nagtungo sa Senado ang isang grupo ng mga katutubo para iprotesta ang kumpirmasyon ni Lopez.
Sa kanilang opposition paper na isinumite sa C-A, iginiit ng mgakatutubo na kwestyonable ang pagkiling ni Lopez laban sa pagmimina.
Ayon kay Datu Benjamin Tindogan ng Surigao del Sur, adbokasiya niLopez na ipasara ang mga minahan na hindi patas na gawain ng isang kalihim ng DENR.
Hindi aniya iniisip ng kalihim ang kapakanan ng libo-libong tao na nakasalalay ang kabuhayan sa pagmimina.
Pangamba ng mga katutubo, marami sa kanila ang maghihirap matapos ipasara ang mga minahan kaya hindi malayong sumanib ang marami sa kanila sa mga kilusang lumalaban sa pamahalaan.
“yung mga nag-aaral na mga anak naming maghihinto sa pag-aaral, yung mga kasalukuyan na medical at dental mission na ginagawa naming sa aming mga kapatid na katutubo mawawalan ng saysay, mga anak na naka graduate dahil sa pamimina, nakapagtayo ng eskwelahan sa pagmimina lahat yan mawawala”.- Datu Tindogan
Ulat ni: Mean Corvera