Kurapsyon sa bansa hindi mareresolba sa pamamagitan ng pagbibitiw sa pwesto ng Pangulo ayon sa mga senador
Hindi na raw kailangang magbitiw sa pwesto ng pangulo para lamang maresolba ang korapsyon sa bansa.
Sagot ito ng mga senador sa pahayag kagabi ng pangulo na binabalak nya na magbitiw sa pwesto dahil sa frustration na maresolba ang katiwalian tulad ng pastillas scheme at anomalya sa philhealth.
Pero ayon kay Senador Ping Lacson, kailangan lang maging consistent ng pangulo at dapat i-aplay ang batas sa anti graft and corruption kalaban man o kakampi sa pulitika.
Walang tinukoy na pangalan si lacson pero ito ang nagbunyag ng mga umano’y katiwaliang kinasasangkutan ni Health Secretary Francisco Duque III.
Sa mga imbestigasyon rin ng senado kinukwestyon ni lacson, bakit hindi inaalis ng pangulo ang mga opisyal na aniya’y may bahid ng katiwalian.
Para naman kay Senate President Vicente Sotto, hindi ang pangulo kundi ang mga corrupt sa gobyerno ang dapat na makaisip magbitiw.
Iginiit ni Sotto na hindi maaring talikuran ng pangulo ang mga filipino na nagluklok sa kanya sa pwesto.
Meanne Corvera