Kuwait government, pumayag na sa mga kondisyon ng Pilipinas kaugnay sa kaligtasan ng mga OFW
Payag na ang pamahalaan ng Kuwait sa mga inilatag na kundisyon ng Pilipinas kaugnay sa kaligtasan ng mga Overseas Filipino workers o OFW sa nasabing bansa.
Sa binuong Memorandum of Understanding o MOU ng dalawang bansa, ipinagbabawal an pagkumpiska sa cellphone ng mga OFW at pagkuha sa kanilang pasaporte.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagbebenta sa mga OFW.
Pero kahit na maisapinal ang MOU at makakuha ng hustisya para kay Joanna Demafelis, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na posibleng irekeomenda niya sa Pangulo na alisin ang deployment ban para lamang sa mga skilled worker.
Iaakma ang MOU sa iba pang bansa sa Gitnang Silangan.
=========