Kuwaiti government, nagbigay ng assurance sa Pilipinas na papananagutin ang mga pumatay kay Joanna Demafelis
Nagbigay na ng katiyakan ang gobyerno ng Kuwait na hahabulin nito at papananagutin sa batas ang mag asawang Lebanese at Syrian nationals na hinihinalang pumatay kay Joanna Demafelis.
Ayon kay Foreign Affairs secretary Alan Peter Cayetano, nalulungkot din ang Kuwaiti government sa sinapit ni Demafelis lalo na ang negatibong epekto ng pagkamatay nito sa kanilang bansa.
Hindi lang kasi aniya ang Pilipinas ang kumukondena ngayon sa Kuwait kundi ang iba pang mga bansa sa buong mundo.
Maging ang kanilang mamamayan umano ay nababahala sa ipinatutupad na ban ng pilipinas lalo na sa mga domestic workers dahil sa magandang serbisyo ng mga pinoy.
Itinanggi aniya ng embahador na lahat ng OFW ay nakakaranas ng pagmamaltardo dahil umaabot lang sa tatlo hanggang limang poryento ng libo-;libong ofw sa Kuwait ang dumulog at nagreklamo.
Hinihimok pa aniya ng Kuwait si Pangulong Duterte na magtungo sa Kuwait at personal na tingnan ang kalagayan ng mga Overseas Filipino workers.
Pero tumanggi si Cayetano naipag-usapan ang iba pang detalye ng naging pakikipagpulong nito kay Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Alhwaikh dahil maaring makaapekto ito sa ginawang imbestigasyon.
Naglatag aniya sila ng kundisyon na bago magtungo sa Kuwait ang Pangulo at tuluyang tanggalin ang ban, kailangang magpatupad muna sila ng reporma paano poprotektahan ang mga OFWs.
DFA Sec. Cayetano:
“Life is more important to us, were happy were in coordination with them w’eve requested autopsy and easier to file complaint dapat natutulungan kung may abuse”.
Kasama aniya sa kanilang hiniling sa Kuwait na palawigin pa ang ibinigay na amnestiya para sa mga Undocumented Filipino.
Sa ngayon, umaabot pa sa mahigit 252,000 mga OFWs ang nagtatrabaho sa Kuwai.t
Pero mahigit labing-isang libo rito ay mga undocumented kabilang na ang mga pinoy na nakatapos na ng kontrata sa kanilang employer pero tumangging bumalik sa Pilipinas.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ===