Kuwait’s Appeals Court, pinagtibay ang hatol na guilty vs sa pumatay sa OFW Jullebee Ranara
Kinatigan ng Appeals Court ng Kuwait ang hatol at sentensiya na 16 taon na pagkabilanggo sa pumatay sa Overseas Filipino Worker (OFW) na si Jullebee Ranara.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), nakausap na ng kagawaran ang kamag-anak ni Ranara para ipabatid ang itinakbo ng kaso.
Sinabi ng DMW na pinagtibay ng Appeals Court ang parusa laban sa akusado na isang taon para sa pagmamaneho nang walang lisensiya at 15 taon para sa murder.
Iniutos na rin ng kagawaran sa Migrant Workers Office sa Kuwait na makipagtulungan sa abogado sa Ranara case para sa pagsasampa ng kasong sibil laban sa tatay ng convicted murderer.
Moira Encina