L.A. Lakers head coach na si JJ Redick, nabigla sa sinapit ng kanilang tahanan dahil sa wildfire
Naging emosyunal ang head coach ng L.A. Lakers na si JJ Redick, habang inilalarawan ang pagkawala ng kanilang tahanan sa Pacific Palisades, sanhi ng matinding wildfire na ginawang abo ang karamihan sa komunidad sa Los Angeles.
Ang asawa at anak na lalaki ni Redick ay wala sa bahay nang masunog iyon, at sinabi niyang hindi siya makapaniwala nang makita ang kinahinatnan ng kanilang tahanan dahil sa sunog.
Si Redick, na naglaro sa 15 seasons sa NBA, ay lumipat sa Los Angeles mula sa Brooklyn makaraan siyang kunin para maging head coach ng Lakers sa nakaraang offseason.
Ang Los Angeles County ay sinalanta ng dalawang malalaking wildfires, na pinatindi ng malalakas na hanging dulot ng windstorm at tuyong kondisyon ng kapaligiran.
Ayon sa mga awtoridad, “They have killed at least 11 people as of Friday and destroyed or badly damaged more than 10,000 structures, making them among the worst natural disasters in California history.”
A firefighting helicopter is seen through the remains of a home following the Palisades Fire in the Pacific Palisades neighborhood in Los Angeles, California, U.S. January 10, 2025. REUTERS/David Ryder
Sinabi naman ni Redick, “I don’t want people to feel sorry for me and my family. We’re going to be alright. There are some people because of some political issues, some insurance issues, that are not going to be alright. We’re going do everything we can to help anyone who is down and out because of this.”