Labi ng pinay caregiver mula sa Israel dumating na sa bansa
Naiuwi na sa bansa ngayong Biyernes ang mga labi ng Pilipinang caregiver mula sa Israel na si Angelyn Peralta Aguirre.
Lumapag ang Etihad flight EY424 kung saan sakay ang mga labi ng Pinay sa PAIR- PAGS Center sa Pasay City kaninang 3:02 ng hapon.
Si Aguirre, 32 anyos ay isa sa apat na Pilipino na namatay dahil sa pag-atake ng grupong Hamas sa Israel noong October 7.
Namatay si Aguirre matapos na lusubin ng Hamas ang kibbutz nito sa Southern Israel at tumanggi na iwan ang kaniyang inaalagaan na Israeli.
Kasama sa sumundo sa mga labi ni Angelyn ang kaniyang asawa, dalawang kapatid at ang tiyahin nito.
Tutulong ang DMW at OWWA sa burol at libing ni Angelyn sa Pangasinan.
May iba ring assistance ang pamahalaan para sa pamilya ng Pinay.
Plano rin na bigyan ng hero’s welcome si Angelyn.
Moira Encina