Labi ni Joanna Demafelis, nasa Iloilo na…Hustisya, panawagan ng pamilya

Hustisya ang isinisigaw ng pamilya ng Overseas Filipino worker o OFW na si Joanna Demafelis.

Madaling-araw kanina nang lumapag sa Iloilo International airport ang kabaong na pinaglagakan ng labi ni Joanna.

Sinalubong ito ng kaniyang mga kamag-anak at miyembro ng kaniyang pamilya suot ang puting t-shirt at may bitbit na mga tarpaulin na nakasulat ang “Justice for Joanna”.

Itinuring ng mga kamag-anak ni Joanna na pinakamalungkot na reunion ito para sa kanila.

Anila, matapos ang apat na taong pananatili ni Joanna sa Kuwait, hindi nila akalain na sasalubungin nila itong isa nang bangkay.

Ang mga labi ni Joanna ay inihatid ni Overseas workers welfare administration o OWWA Administrator Hans Leo Cacdac at Deputy Administrator Arnel Ignacio kasama ang ilan pang opisyal mula sa Department of Foreign Affairs o DFA.

Ang labi ni Joanna ay ilalagak sa kanilang tahanan sa Sara, Iloilo.

 

===  end  ===

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *