11 Prangkisa ng Broadcast at Telecoms, inaprubahan ng Committee Level ng Senado
Inendorso na sa plenaryo ng Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senador Grace Poe ang labing-isang prangkisa ng iba’t-ibang sektor na inaasahang makatutulong para sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
Sa kanyang sponsorship speech, sinabi na Poe na ang pagkakaloob ng prangkisa ay mahalaga para magkaroon ng kumpetisyon at maibangon ang ekonomiya na nalugmok dulot ng pandemya.
Kasama sa inaprubahan ng Senado ang bagong prangkisa ng limang broadcasts company na inaasahang lilikha pa ng karagdagang trabaho bukod pa sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko.
Aprubado rin ang prangkisa para sa pagtatayo ng isang bagong paliparan ng San Miguel Aerocity Inc. sa Bulacan na inaasahang magpapataas ng turismo.
Sakaling matapos ang paliparan, magpapaluwag ito sa matinding air traffic sa Ninoy Aquino International Airport ( NAIA ).
Umaasa ang mga mambabatas na ang naturang mga proyekto ay magiging daan para mabigyan ng trabaho ang mas maraming Pilipino, kabilang na ang mga nagbabalik-bayang OFWs .
Meanne Corvera