Labingpitong MSMEs sa Batangas, binigyan ng libreng pagsasanay na may kaugnayan sa kanilang negosyo
Labingpitong micro small medium enterprises (MSMEs) mula sa sa Ibaan, Batangas ang binigyan ng libreng pagsasanay para sa packaging technology at disenyo ng label ng mga produkto.
Punangunahan ito ng mga opisyal ng Dept. of Science and Technology o DOST Calabarzon.
Layunin nito na matiyak na sumusunod sila sa mandatory requirements at standards sa packaging.
Ang training ay nahati sa packaging technology at mandatory labelling requirements.
Sa naturang aktibidad, binigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na indibidwal na komunsulta sa mga dalubhasa sa DOST-Calabarzon, tungkol sa kung paano mapagbuti ang disenyo ng packaging at label ng kanilang mga produkto.
Jet Hilario