Labingwalong Chinese miners, patay sa underground gas leak

Rescuers adjust an emergency generator at the Diaoshuidong coal mine in southwestern China’s Chongqing on December 5, 2020, after a carbon monoxide leak at the facility left 18 dead, with rescue efforts under way to reach five others still trapped underground. 
PHOTO: AFP

BEIJING, China (AFP) – Labingwalong minero ang kumpirmadng namatay, matapos magkaroon ng carbon monoxide leak sa isang coal mine sa southwestern China.

Dalawampu’t apat na mga minero ang nabiktima ng gas leak, sa Diaoshuidong mine sa Chongqing city na nangyari kahapon.

Hanggang kaninang umaga, isang survivor at 18 nasawi ang natagpuan, ayon sa local emergency rescue command headquarters.

Nangyari ang aksidente habang ang mga minero ay nagkakalas ng underground mining equipment.

Ang naturang minahan ay sarado sa nakalipas na dalawang buwan. Inaalam na ngayon ng mga imbestigador ang sanhi ng aksidente.

Ayon sa Xinhua news agency ng China, noong 2013 ay tatlong katao ang nasawi rin sa nangyaring aksidente sa kaparehong minahan.

Pangkaraniwan na sa China ang mga aksidente sa minahan, kung saan ang industriya ay may poor safety record at ang mga regulasyon ay hindi mahigpit na naipatutupad.

Nito lamang nakalipas na Setyembre, ay anim na manggagawa ang namatay sa isa pang minahan sa labas ng Chongqing, matapos masunog ang isang conveyor belt na nagresulta para magkaroon ng mapanganib na lebel ng carbon monoxide.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: