Labis na pag inom ng energy drinks, magiging sanhi ng heart problems ayon sa cardiologists

Nagbabala ang mga cardiologist lalo na sa panig ng adult population na limitahan o iwasan ang pag inom na labis na energy drink.

Ayon sa mga cardiologist, magiging sanhi ng heart problems at pagtaas ng blood pressure ang mga energy drink kung ipanghahalili ito sa tubig sa tuwing mauuhaw.

Ayon kay Dr. Jorge Sison, Presidente ng Philippine Heart Association, naobserbahan nila na ang karamihang itinatakbo sa kanilang hospital ay mga pasyenteng may heart trouble sanhi ng pagtaas ng blood pressure pagkatapos uminom ng labis na energy drinks.

Sinabi naman ni Dr. Ronald Cuyco, Chair ng  PHA advocacy program sagana sa stimulants ang energy drink at kapag ito ay nainom may direktang epekto ito sa puso.

Kapag tumaas ang heart rate kailangan nito ng maraming oxygen kaya kung ang isang 45 yrs old o higit pa ang iinom ng energy drinks malaki ang posiblidad na mabarahan ang ugat na patungo sa puso kaya nagkakaroon ng atake.

Kaya naman, payo ng mga naturang cardiologist, hinay hinay sa pag-inom ng energy drinks lalo na at nasa 45 anyos na pataas.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *