Labis na paggamit ng gadgets ,nagdudulot umano ng seizure, DOH hindi sang-ayon
Naging viral sa Facebook ang isang batang nagkaroon ng seizure dahil sa malabis na paggamit ng gadgets.
Ngunit, hindi sangayon dito ang Department of Health.
Ayon sa DOH, kailangan pa ng karagdagang test upang malaman ang tunay na dahilan ng seizure.
Paglilinaw ni DOH Spokesman Asec Dr. Eric Tayag hindi nagtri- trigger mismo ng seizure ang paggamit ng gadget at maging ang panonood ng telebisyon.
Ang stress ay maaaring maka resulta ng seizure disorder at ang stress naman ay maaaring may pinanggalingan na ito ang dapat na alamin ng doktor na tumitingin o nagche-check up sa batang inatake ng seizure.
Samantala, binibigyang diin naman ng mga eskperto na dalawang oras lamang ang dapat na maximum na paggamit ng gadgets ng mga bata sa bawat araw at dapat na iwasan ang pagpupuyat upang maiwasan ang naturang karamdaman.
Ulat ni: Anabelle Surara