Labor Sec. Silvestre Bello, tiniyak ang katapatan sa mga reporma na inilulunsad ng Duterte administration
Sa harap ng ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Duterte, ipinagmalaki ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga reporma at programa na ipinatupad ng DOLE sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon sa kalihim, mula August 2016 kabuuang 321,964 manggagawa ang naregular sa trabaho bilang pagtugon sa direktiba ng Pangulo na tiyakin ang job security ng mga Pinoy at tuldukan ang iligal na kontraktwalisasyon.
Ngayong 2018 ang target anya ng DOLE na ma regular ay 300 thousand pero sa unang half pa lang ng taon ay 243,418 ang naregular na empleyado.
Para naman sa mga OFW, nakapagtayo anya ang DOLE ng 18 One-Stop Service Centers para mapabilis ang transaksyon at pagseserbisyo sa mga ito.
Nilagdaan din anya ng gobyerno ng Pilipinas ang mga Bilateral Labor Agreements sa Kingdom of Saudi Arabia, Kuwait, United Arab Emirates at Cambodia para matiyak ang proteksyon ng mga OFWS.
Para naman sa pangangailangan ng mga vulnerable pensioners, inaprubahan ng DOLE ang 1150 pesos na dagdag sa buwanang pensyon ng Employees Compensation.
Tiniyak naman ni Bello ang committment ng DOLE sa mga reporma isinusulong ng pamahalaang Duterte para magkaroon ng disenteng trabaho ang mga pilipino at marespeto ang kanilang mga karapatan.
Ulat ni Moira Encina