Lacson – Sotto tandem nagconcede na
Nagconcede na ang magkatambal na sina Senador Ping Lacson at Vicente Sotto sa pagkatalo sa katatapos na eleksyon.
Sa kaniyang statement, sinabi ni Senador Ping Lacson na iginagalang niya ang pasya ng taumbayan.
Ayon kay Lacson, matapos ang mahabang paglilingkod sa bayan, uuwi na sIya at pamilya naman ang kaniyang aatupagin.
Ito na rin aniya ang kaniyang huling pagsabak sa pulitika
Si Lacson ay tumakbo ring Pangulo noong 2004 pero natalo ito ni dating pangulong Gloria Arroyo.
Para kay Sotto nagsalita na ang taumbayan sa pamamagitan ng kanilang boto at dapat lamang itong irespeto.
Sinabi ni Sotto iprinisinta nila ang kanilang sarili bilang mga alternatibong kandidato pero nasa taumbayan pa rin ang pagpapasya.
Masaya raw siya na hindi nagpadala sa political pressure at nananatili pa rin ang kaniyang integridad.
Binati rin ni Sotto ang mga nanalong kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo na sina Bongbong Marcos at Sara Duterte.
Meanne Corvera