Laganap na online child sexual abuse sa bansa iimbestigahan ng Kamara
Pinaiimbestigahan ni House Deputy Speaker at Las Pinas Representative Camille Villar sa Kamara ang laganap na online child sexual abuse.
Sinabi ni Villar na batay sa report itinuturing ang Pilipinas ngayon na top producer umano ng child pornography sa buong mundo.
Nababahala si Villar na maraming mga bata ang na-exposed sa sexual exploitation lalo na noong kasagsagan ng pandemya ng COVID 19 dahil sa pagpapatupad ng total lockdown sa buong bansa kaya nararapat lamang na pagtuunan na ito ng pansin ng gobyerno.
Ayon kay Villar ang child pornography ay isa sa pinakamalubha at nakakaalarma na anyo ng human trafficking na nangyayari sa Pilipinas.
Dahil dito inihain ni Villar ang House Resolution 453 upang makapagsagawa ng pormal na inbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa isyu ng child sexual abuse.
Vic Somintac