Lagpas 778,000 videoconferencing hearings, naisagawa sa panahon ng pandemya
Umaabot sa kabuuang 778,206 videoconferencing hearings ang naidaos ng mga korte sa bansa sa panahon ng pandemya.
Ito ang inihayag ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa online meeting nito sa Joint Foreign Chambers of the Philippines (JFC) ukol sa paggamit ng teknolohiya ng hudikatura.
Ayon pa kay Gesmundo, nasa 88.35% ang success rate ng videonconferencing hearings.
Sa pamamagitan aniya ng mga nasabing pagdinig ngayong pandemya ay napalaya ang 112,760 persons deprived of liberty.
Kabilang sa mga ito ang 1,721 children in conflict with the law.
Tinalakay din ni Gesmundo sa JFC ang mga update sa plano ng Korte Suprema sa unclogging ng court dockets at pagpapabilis sa resolusyon ng mga kaso.
Pangunahin na rito ang paggamit ng artificial intelligence para mapagbuti ang improve court operations.
Partikular na ang AI technology sa paghahanda ng transcripts ng stenographic notes at pag-digitalize ng mga hatol.
Moira Encina