Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro City, inilagay na sa MECQ mula Aug. 16-31
Ibinababa na ng Inter-Agency Task Force sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang quarantine classification sa Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro City simula sa August 16 hanggang August 31.
Ang Bataan naman ay mananatili sa ECQ hanggang August 22 samantalang ang National Capital Region (NCR) ay nasa ilalim pa rin ng ECQ hanggang August 20.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na kasama din sa inilagay sa MECQ mula August 16 hanggang August 31 ang Apayao, Ilocos Norte, Bulacan, Cavite, Lucena City, at Rizal sa Region 4-A, Aklan, at Iloilo Province sa Region 6, Lapu-Lapu City, Mandaue City, at Cebu City in Region 7.
Samantala inilagay sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions mula August 16 hanggang August 31 ang Ilocos Sur, Cagayan, Quezon at Batangas sa Region 4-A, Naga City, Antique, Bacolod City at Capiz sa Region 6, Negros Oriental at Cebu, Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental at Davao de Oro kasama ang Butuan City.
Ang Tarlac ay isinailalim na sa General Community Quarantine mula August 13 hanggang 31, 2021.
Nasa ilalim rin ng GCQ mula August 16 hanggang 31 ang Baguio city, Santiago City, Quirino, Isabela at Nueva Vizcaya sa Region 2; at ang Puerto Princesa kasama ang Guimaras and Negros Occidental sa Region 6; Zamboanga Sibugay, Zamboanga City at Zamboanga del Norte sa Region 9; Davao Oriental at Davao del Sur sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato at South Cotabato sa Region 12; Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Dinagat Islands sa CARAGA at Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine o MGCQ mula August 16 hanggang August 31.
Vic Somintac