Laguna Provincial Government namahagi ng mga Tricycle Patrol sa ilang barangay sa lalawigan
Nakatanggap ng mga Tricycle Patrol mula sa provincial government ang ilang barangay sa Laguna.
Ayon kay Laguna Governor Ramil Hernandez, kabuuang 191 Tricycle Patrol ang ipinamahagi sa mga barangay sa mga bayan ng Calauan, Nagcarlan, Rizal, Victoria, Pila, Santa Cruz, Pagsanjan, Lumban, Famy, at Paete.
Ang mga nasabing traysikel ay para sa mga Barangay Public Safety Officers.
Ito na ang ikalawang batch ng mga Tricycle Patrol na ibinigay ng Laguna Provincial Government sa ilang bayan sa lalawigan.
Una nang namahagi ang pamahalaang panlalawigan ng 190 Tricycle Patrol sa mga bayan ng Majayjay, Magdalena, Cavinti, Luisiana, Kalayaan, Mabitac, Pakil, Pangil, Siniloan, at Sta. Maria.
Sinabi ng gobernador na ang mga ibinigay na sasakyan ay bilang suporta sa mga opisyal ng barangay sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa kanilang nasasakupang komunidad.
Moira Encina