Laguna Provincial Gov’t. namahagi ng mga Livelihood Starter Kits.
Namahagi ang Laguna Provincial Government ng mga livelihood starter kits para sa mga miyembro ng STK o Serbisyong Tama Kababaihan.
Ito ay bahagi ng programa ng Pamahalaang panlalawigan ng Laguna sa ilalim ng Ratsada hanapbuhay na isang uri ng online livelihood project sa lalawigan.
Nagbibigay ito ng libreng skills training at seminar para sa mga nagnanais magsimula ng kanilang hanapbuhay o negosyo.
Katuwang naman sa programang ito ang iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan sa lalawigan.
ilan naman sa mga skills training na ibinibigay sa mga kababaihan ay ang paggawa ng doormat, pot holder, dishwashing liquid, fabric conditioner, at powder detergent.
Umaasa naman ang mga opisyal ng Laguna Provincial Office na makakatulong ang mga ganitong programa at proyekto sa kanilang lugar para magkaroon ng negosyo ang kanilang mga kababayan sa kabila ng pandemiyang hatid ng Covid 19.
Ulat nina: Antonio Lagunoy at Bayani Yesma