Lagundi at VCO, nangangailangan pa ng maraming pag-aaral bago mapatunayan ang bisa nito laban sa Covid-19
Kailangan pa ng mas maraming pag-aaral sa Lagundi at Virgin Coconut oil (VCO) upang mapatunayan ang bisa nito kontra Covid-19.
Ayon kay Dr. Lulu Bravo, Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination, wala pang substantial data o evidence na makapagpapatunay na ang mga ito ay makapagpapagaling ng taong dinapuan ng Covid- 19 bagamat nagpapatuloy ang pag-aaral ng DOST ukol dito.
Samantala, sinabi ni Bravo na sa ngayon ang mga gamot pa lamang na kinakitaan ng promising na resulta kontra Covid-19 ay ang Remdesivir at Dexamethason kung saan 1/3 aniya ng mga nagkasakit ay natulungan.
Ang Remdesivir ay isang anti-viral medicine at experimental drug na matatandaangkasama ito sa World Health Organization (WHO) solidarity trials laban sa Covid-19 sa Pilipinas.
Ginagamit ang Remdesivir sa mga severe o critical Covid-19 patients.
Belle Surara