Lahar flow sa bulkang mayon, ibinabala dahil sa bagyong Kristine
Ibinabala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHILVOCS ang posibleng pagdaloy ng lahar mula sa bulkang mayon.
Ito ay dahil sa malakas na ulang dala ng Tropical Storm Kristine na may international name na Tram.
Dahil dito pinag-iingat ng ahensya ang publiko at pinayuhang maging handa sa anumang oras partikular ang mga malapit sa bisinidad ng bulkang Mayon.
Kabilang ang Albay sa mga lugar na nasa ilalim ng signal number 1 dahil sa bagyo.
Samantala , isinailalim na sa State of Calamity ang lalawigan ng Albay dahil sa matinding epekto ng bagyo sa lalawigan kung saan maraming lugar doon ang nakapagtala ng pagbaha at pagguho ng lupa.