Lahat ng Diplomatic at Legal remedy, gagamitin ng Malakanyang para mapanagot ang employer ni Joanna Demafelis

Gagawin lahat ng Malakanyang ang paraan para mapanagot ang employer ni Joanna Demafiles.

Ito ang sagot ng Malakanyang sa napaulat na hinatulan na ng parusang bitay in-absentia ng Kuwait ang mag-asawang employer ni Joanna Demafelis.

Sa briefing sa Malakanyang sinabi ni Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na puapusan na sng ginagawang pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs o DFA at Department of Labor and Employment o DOLE sa Kuwaiti government kaugnay ng bagong development sa kaso ni Demafelis.

Ayon kay Guevarra ang malaking problema na kinakaharap ng pamahalaang Pilipinas sa kaso ni Demafelis ay wala sa kamay ng Kuwaiti government ang mag-asawang employer.

Inihayag ni Guevarra na tinitignan ngayon ng pamahalaang Pilipinas kung magagamit ang mutual legal assistance at extradition process.

Batay report ang lalaking employer ni Demafelis ay nasa bansang Lebanon samantalang ang babae naman ay nasa bansang Syria.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *