Lahat ng Undersecretaries at Assistant Secretaries, pinag-Courtesy resignation ni Justice Secretary Menardo Guevarra

Binigyan ng hanggang ngayong araw, April 30 ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga Undersecretaries at Assistant Secretaries ng Department of Justice o DOJ na maghain ng Courtesy resignation.

Sa isang pahinang memorandum ni Guevarra na may petsang April 24, 2018, inatasan ng kalihim ang mga nasabing opisyal na magsumite ng courtesy resignation kay Pangulong Duterte.

Ito ay para mabigyan si Guevarra ng malayang kamay para magampanan ang mandato sa kanya ng Pangulo bilang bagong Justice secretary.

Pero hangga’t hindi pa aniya inaaksyunan ng Pangulo ang inihaing courtesy resignation ng mga USEC at ASEC ay kailangan pa rin nilang pumasok sa gawaran para gampanan ang kanilang tungkulin at responsibilidad.

Kabilang sa doj undersecretaties na itinalaga ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ay sina Atty. Erickson Balmes, Reynante Orceo, Raymund Mecate, Antonio Kho at Deo Marco.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *