Lake Holon sa T’boli sa South Cotabato, pansamatalang isinara sa mga turista
Pansamatalang isinara sa mga turista ang kilalang Lake Holon, sa bayan ng T’Boli, sa South Cotabato .
Ang closure order ay alinsunod sa executive order na inilabas ng T’boli LGU, para maka recover ang ating kalikasan mula ng ginamit ang lugar na ito bilang tourist destination.
Inaasahan, na sa buwan ng Marso pa muling bubuksan sa mga bisita at turista ang Lake Holon pagkatapos ng rehabilitasyon nito .
Taong 2003 nang ideklarang tourist spot ang Lake Holon dahil sa itinuring itong “cleanest inland body of water” sa buong bansa.
Napabilang din ito sa “World’s Top 100 Sustainable Destinations” noong taong 2016 at 2017.
Ely Dumaboc