Lalaki sa Canada, na-tiketan dahil sa likha niyang kotseng binuo mula sa niyebe
Bumuo ng isang back to the future style Delorean sa gilid ng kalsadang bahagi ng kaniyang property si Simon Laprise na isang Canadian.
Itinaon niya ito sa Snow removal day sa kanilang lugar upang biruin ang mga tinatawag niyang Snow guys.
Inukit ni Laprise ang Delorean para magmukhang isang life-size version ng kotse ni Marty Mcfly sa pelikulang Back to the future.
Sinadya rin ni Laprise na magmukha itong tunay na kotseng ilang araw nang nakaparada sa labas kaya’t nabalutan na ng yelo.
Dinagdagan pa niya ito ng indentions para sa gulong at bintana at nilagyan din ng spare windshield wiper na nakita niyang pakalat-kalat lang sa kalsada para sa kaniyang special touch.
Dhil mukha talagang totoo ang kotseng inukit ni Laprise kaya nang mapadaan ang mga pulis na naghahanap ng mga sasakyang nakaparada sa gilid ng kalsada habang umiiral ang snow plowing hours, at tiniketan nila ito at iniwan ang ticket sa windshield na gawa sa yelo.
Nang makita naman ito ni Laprise ay agad niya itong kinunan ng litrato at ipinost sa social media at nilagyan pa ng caption na “muhahaha” na tila sinasabing nagtagumpay sa kaniyang prank act.
=== end ===