Lalaki sa India, gumamit ng 300 posters at signs, para hingin ang tawad ng kaniyang girlfriend
Matapos ang kanilang argumento, 300 posters at signs ang ipinakalat ng isang Indian businessman sa kanilang local suburb, para ipaalam sa kaniyang gilrfriend ang paghingi niya ng tawad.
Hindi malinaw kung ano ang ginawa ng 25-anyos na si Nilesh Khedekar para ma-upset ang kaniyang kasintahan, pero malinaw na sineryoso niya ito kaya gumawa siya ng paraan para mapatawad nito.
Nang malaman ni Nilesh na pauwi na ang kaniyang girlfriend na si Shivde, ay kumontak siya ng isang printer para gumawa ng daan-daan at iba’t-ibang size ng posters na may mensaheng “Shivde, I am sorry!”.
Nagbayad naman siya ng mga batang lalaki para isabit ang mga signs at posters sa kanilang lugar, partikular sa daraanan ni shivde sa kaniyang pag-uwi.
Kinabukasan ng umaga ay bumulaga sa mga tao sa Pimple Saudagar ang 300 posters at signs na nakakabit sa mga buildings, lamp posts, billboards at kung saan-saan pa.
Agad naman itong kinunan ng picture ng mga tao, kaya’t pagdating ng tanghali ay usap-usapan na sila ng bayan. marami ang nagsabing romantic ang ginawa ni Nilesh, pero hindi na-impress dito ang local police kaya’t siya ay pinagmulta.
Bagamat naibaba nang lahat ang mga signs at posters ni nilesh, ang mga post ng kuhang pictures tungkol dito ay nagsi-circulate pa rin sa Indian social media.
Wala namang balita kung napatawad na ba siya ni Shivde.
===========