Lalaki sa Nicaragua na tumira ng apat na dekada at ginawang giant art work ang isang talampas doon
Ginugol ni Alberto Gutierrez Giron 73 anyos ang 40 taon ng kaniyang buhay sa pagtira sa gubat at paglilok ng isang 300 foot na bato o talampas sa tuktok ng El Jalacate Mountain, sa Esteli.
Sinimulan ni Alberto na manu-manong ukitan ang naturang talampas noong Oktubre 1977 at hango ito sa kaniyang panaginip ng siya ay siytam na taon pa lamang.
Ang epic stone artwork ni Alberto na kinapapalooban ng mga larawan ng ibat-ibang uri ng hayop at istraktura tulad ng twin tower ng New York.
Sa ngayon ay isa na itong tourist spot sa lugar na dinarayo ng halos 30,000 katao taun-taon.
Dahil dito ay tinagurian siyang “hermit of nicaragua”, “stone man” at “sculptor of the mountain” at pinakatanyag na taong gubat sa buong mundo.
Ulat ni: Violy Escartin