Lalaking ginagamit ang pangalan ni Senator Bong Go para mangikil ng salapi, arestado ng NBI sa Pangasinan
Dinakip ng NBI ang lalaki na nagpakilalang konektado kay Senador Bong Go para makapangikil ng salapi mula sa ilang prominenteng negosyante at pribadong indibidwal.
Ayon sa NBI, aabot sa Php 6-Million ang halaga ng salapi na nakolekta ng suspek na si John Carlos Pedragosa Garcia mula sa mga biktima nito sa Albay, Laguna, Quezon at Rizal.
Nag-ugat ang operasyon sa reklamong inihain sa NBI ng isa sa mga biktima laban sa isang John Carlos Garcia na ginagamit ang pangalan ni Go.
Nabatid ng NBI na may arrest warrant na inisyu ang Mandaluyong City RTC laban kay Garcia para sa dalawang counts ng estafa.
Ipinagpatuloy ng NBI ang kanilang surveillance operation at natunton ang kinaroroonan ng suspek.
Nakita si Garcia sa Bolinao, Pangasinan gamit ang sasakyan na binili mula sa isa sa kanyang mga biktima.
Agad na inaresto ng NBI sa bisa ng arrest warrant ang suspek matapos matunton sa target resort sa Bolinao.
Moira Encina