Lalaking hindi makakuha ng trabaho matapos makulong, nakaisip gumawa ng mga nakamamanghang likhang sining
Dahil hindi makakita agad ng trabaho matapos makulong ng 10 taon, nakahanap ng pagkakakitaan si Michael James para mabuhay sila ng kaniyang mga anak.
Sa harap ng karagatan, naglagay siya ng isang lamesa at nagbenta ng mga painted sea shells.
Nakakalikha siya iba’t-ibang karakter mula sa seashell gaya ng mga aliens, ladybugs at iba’t-ibang tanawin.
Inspirasyon ni James ang kaniyang mga anak kaya nagagawa niyang mag-focus sa kaniyang mga adhikain.
=== end ===
Please follow and like us: